Tumaas ang kanang kilay ni Kylie nang mapansin niya si Maria na nakatingin sa kaniya. "Why are you looking at me like that?" mataray na tanong nito sa dalaga. Umiling si Maria. "Wala lang, gusto ko lang magpasalamat sa 'yo sa ginawa mong pagtulong sa akin para magkabalikan kami ni Brix, " tugon niya sabay ngiti. "Hmp! Whatever!" sabi nito, pamartsang umalis at tinungo ang grupo ng mga modelo na nagkakasayahan. Iniwan nito si Maria. Napangiti na lamang ang dalaga. Sanay na siya sa kamalditahan ng modelong si Kylie. Pakiramdam niya ay hindi naman talaga ito ganu'n kasama, ginagawa lang nitong defense mechanism ang pagiging maldita niya para itago kung ano ang totoong siya. Nalaman niya na marami pala itong charitable institution na tinutulungan at may mga batang scholar na pinag aaral. M