Nang magising ay unti-unting iminulat ni Brix ang mga mata, agad niyang kinapa ang higaan upang hanapin kung saan nakapwesto si Maria, ngunit nagtataka siya kahit anong kapa niya ay hindi niya makapa ni dulo ng mga daliri nito. Nilakihan niya ang mulat ng mga mata. Tumingin siya sa kaniyang tagiliran at napagtanto niya na wala na pala si Maria sa kaniyang tabi. "Huh, Baby!" Napabalikwas siya ng bangon at hinanap ng mga mata sa paligid ang dalaga ngunit hindi niya ito makita. Walang kahit anumang bakas na naroon ito sa loob ng silid. Dali-dali siyang bumangon para sumilip sa banyo ngunit wala rin ito roon kaya napagdesisyunan na niyang bumaba. Nakasalubong niya si Aling Teresa na kapapasok pa lang sa loob ng bahay, nagulat pa ito ng makita siya. "Oh, Sir, nand'yan ka pala," sabi nito.