Alas tres ng hapon ay may bumisita kay Maria, ang apat na dalagita na tinulungan niyang mamitas ng gulay. Wala si Brix, sumama ito sa asawa ni Aling Teresa sa kabilang bayan upang mamili ng mga materyales para sa pinaggagawa nitong water pump sa fourth floor ng bahay. May tatlong araw pa silang natirira bago matapos ang kanilang bakasyon. Pumabor kay Maria nang malaman na cancel ang dapat sana ay uwi ng kaniyang mga magulang. Nag-extend pa ang mga ito ng isang linggo sa New York, kaya hindi nila kailangang mangamba kung maisipan nilang dagdagan pa ng ilang araw ang kanilang bakasyon. "Oh, hi! Mabuti naman at napasyal kayo," tuwang sabi niya ng makita ang mga bata. "Ate, pumunta lang kami rito para magpasalamat. At saka ito, nilupak niluto ni nanay, pinabibigay niya sa'yo. Sana raw ay ma