"Digna, kapag hinanap ako ni Drake sabihin mo maaga ang call time ko ngayon. May meeting ako with the client at hindi ako dapat ma-late," bilin niya sa isa sa kanilang mga kasambahay na nakasalubong niya ng papunta na siya sa garahe para kunin ang kaniyang sasakyan. Maaga pa lang ay umalis na ang dalaga sa kanilang bahay, tulog pa si Drake kaya nagbilin na lang siya sa mga kasama nila. Ang totoo ay nagsinungaling siya, wala siyang appointment ng maaga at wala rin siyang balak na pumasok sa trabaho. Sasadyain niya si Brix sa bahay nito ngayon dahil nag aalala siya rito. Natulog siya kagabi at umasang may matatanggap na text messages mula rito kinabukasan, ngunit sa kaniyang pagtataka ay wala, kaya labis ang pag aalala niya. Nang maiparada niya ang kaniyang sasakyan sa harap ng malaking b