Habang ginugupitan ni Olga si Arthur ay nakatulog ito. Nagkaroon ng pagkakataon ang dalaga na titigan ng husto ang binata. Ngayon ay parang nagsisisi na siya na tinulungan niya ito. May kung ano kasing hindi maipaliwanag na pakiramdam na nagising sa pagkatao niya ng dahil sa lalaking ito. Ipinilig niya ang ulo at inalis ang isipin na bumabagabag sa kaniyang utak. Ipinagpatuloy niya ang ginagawang paggupit sa buhok ng binata. Hindi niya alam kung ano ang ginawa nito kagabi at kung bakit antok na antok ito? Taper haircut ang napili niyang gupit para kay Arthur at dahil gusto naman nito na naka brushed up ang kaniyang buhok ay nilagyan niya iyon ng liquid hair wax para ma-achieve niya ang nais niyang mangyari sa buhok nito. Napangiti siya ng makita ang kinalabasan. Tama lang ang napili n