"Hay, kayo talagang mga babae ang hirap niyong intindihin!" Napapakamot ng ulo si Arthur habang pinagmamasdan sina Maria at Olga na bagsak dahil sa alak. Kinuha niya ang mga bag na dala ng dalawa at isinukbit ang mga iyon sa kaniyang balikat. Inuna niyang buhatin si Olga, inilabas niya ito sa bar at ipinasok sa loob ng sasakyang dala niya na nakaparada sa mismong harap ng establisyemento. May inutusan siyang isang staff ng bar na bantayan si Olga, dahil baka magising ito at bigla na lang bumaba ng sasakyan. Binalikan niya si Maria sa loob at ito naman ang kaniyang binuhat. Pinagkasya niya ang dalawa sa backseat. Tulog na tulog pa rin ang mga ito. "Okay ano na ang gagawin ko ngayon?" tanong niya sa sarili. Nanatili siyang nakahinto at hindi pa pinaaandar ang sasakyan ng biglang tumunog