"Ano ang nangyari sa'yo, Cassie? Bakit ngayon ka pa nagkasakit? Malapit na ang fashion show natin," ani Olga. Nang malaman niyang na-ospital ang kaibigan ay agad niya itong dinalaw. "Huwag kang mag alala, Olga, maayos na ang pakiramdam ko, pwede na akong lumabas bukas sabi ni Dr. Clark, kaya makakapunta pa rin ako sa fashion show natin. Pasalamat na lang ako at maayos ang resulta ng naging x-ray ko, walang nabaling buto sa akin, nabugbog lang," assurance ni Maria. "Bakit ano ba talaga ang nangyari? Saan mo nakuha ang bugbog sa likod na sinasabi mo?" Binalingan ng tingin ni Maria si Olga. Hindi agad siya nakasagot sa tanong nito. "Wala, nadulas lang ako, bumagsak ako sa sahig at nauna ang puwet ko," pagsisinungaling niya. "Hmm... 'yon ba talaga ang totoong nangyari?" may pagdududa n