"Bakit hindi pa bumababa ang anak mo para mag almusal?" tanong ni Gener sa asawang si Lucille. "Hindi ko alam, baka tulog pa," tugon naman ni Lucille. "Puntahan mo nga muna sa kwarto niya. It's already nine 'o'clock in the morning. She usually woke up early." "Okay, let me check." Tumayo na si Lucille upang tunguhin ang silid ng anak. "Sweetheart, gising ka na ba? Can I come in?" tanong ng ginang na may kasamang mahinang pagkatok. Ilang minuto na siyang nakatayo at naghihintay ngunit wala siyang natanggap na sagot mula sa kaniyang anak kaya napilitan na siyang pihitin ang seradura ng pinto, tama namang hindi naka-lock iyon kaya bumukas agad. Naglakad siya papasok sa loob, nakita niya ang anak na nakahiga pa rin sa kama nito at nakakubkob ng kumot. Lalabas na sana siya dahil naisip niy