60. AWA ang naramdaman ni Lush nang sandali na mapakinggan niya ang kwento ni Ruth sa kanya. Wala silang panahon noon na magkwento ng malalalim sa isa't isa, at ang pagkikita nilang muli ngayon ay parang nag-uugnay sa kanila sa mas malalim na koneksyon. Ramdam niya sa boses nito ang lungkot at pangungulila sa pamilyang nawala. “And your Dad?” he asked after a while. “Totoo yun Kwento ko sa'yo. Talagang tinamaan ng kidlat si Papa sa gitna ng bukid. Ang hindi lang dun totoo ay gagamitin ko ang pera sa pagtubos ng kabukiran, pero totoo na may bukid na naiwan si Papa. Hinahabol yun ng mga anak ng dating may-ari, ipapa-cancel daw ang titulo, kaya hindi ko nagawang isanla kahit na nangangailangan ako. Kahit paano ay malaki ang tulong nun sa akin at sa Tiya Mening.” “And Baron knew everythin