59.1 “MRS. MONTESALVO!” tawag ng secretary kay Ruth kaya tumayo siya. Iyon ay matapos siyang utusan nun na umihi na raw siya. Mas mabilis si Lush dahil nakarating kaagad sa tabi niya at parang ilang hakbang lang ang ginawa. Natatawa siya sa mga kilos nito. Para itong excited pero may kasamang nerbyos. Masaya siya. Masaya siya na tutulungan siya nito sa annulment pero babayaran niya lahat ng gagastusin nito kahit na abutin pa siya ng pagtanda. Ang mahakaga ay willing itong pahiramin siya ng pera para mabawi niya ang kanyang pangalan. There's still a strong bond and a special bond between the two of them. She can't name it. Ayaw niyang mag-assume dahil sadyang mabait lang si Lush, at baka ginagawa talaga nito lahat para sa anak nila. Sapat na iyon sa kanya. Nagkamali lang siya ng pakila