31. WALANG imik si Ruth habang nagpapalit ng damit. Para talaga siyang tinamaan ng kidlat kanina nang tahasan siyang bastusin ni Dennis. Totoo iyon pero naiiyak siya dahil masakit pala na masaling ng katotohanan. Kahit na ba may dahilan ang ginagawa niyang kagagahan, para pa rin siyang sinaksak. “Anong nangyari sa inyo ni sir Dennis, Ruti?” Usisa Mary sa kanya kaya napatingin siya roon. Hindi niya mga super close friends ang mga ito pero hindi rin naman niya mga kaaway. Hindi siya nagsalita dahil totoo naman ang sinabi ni Dennis. Ang hindi lang niya gusto ay ang pambabastos ng lalaki sa kanya. Sa tanan ng buhay niya ay walang nambastos sa kanya ng ganun. “Namumuro na ang matandang gurang na yun ha. Baka gusto na nun makatikim ng mag-asawang pompiyang!” Ani Berna saka kumara-karate pa