32. ISANG kuskos, isang singhot. Hindi matigil si Ruth sa pag-iyak. Ang sakit-sakit ng puso niya dahil sa narinig niya sa cellphone. Tanga ba talaga siya? Ngayon, daig pa niya ang nahahati sa dalawa. Ayaw niyang paniwalaan ang kanyang narinig, pero ayaw din niyang maging dakilang tangengot. Hindi na tuloy niya maintindihan kung ano na ba ang kanyang dapat na isipin. Masyado tuloy siyang nahihirapan, pero napakalakas ng kutob niya ngayon na niloloko siya ni Baron. Kung totoo man, dapat ay mag-usap na sila at matapos na ang lahat. Ano kaya ang ginawa niyang mali at ginawa iyon ni Baron sa kanya? Sobrang sakit kung tama man ang kanyang womanly instinct. Nagbenta siya ng sarili para sa isang walang kwentang lalaki, na mukhang niloko lang siya ng tatlong taon. She ignored all his tantrums,