33. “SINO ho ba kayo?” Tanong ng nurse sa istasyon kay Ruth, habang ang dalaga ay nasa harap, nagtatanong ng kwarto ni Carmenzita Montesalvo. Iyon ang naabutan ni Lush nang siya ay bumaba. Sa tono ng babae ay parang iritado na iyon, at hindi nakaligtas sa kanya ang mapanuri na mga mata nun sa itsura ni Ruth. “Hindi ko ho masasabi sa inyo ang room number. Mga matataas na tao lang po ang pwedeng bumisita sa kanya,” irap pa ng babae. “And whose order?” Matatas na tanong niya nang lumabas siya sa may pader. Parehas na napatingin sa kanya ang lahat ng naroon, kasama si Ruth. “Lush!” Bulalas nito kaya ngumiti siya saglit pero muli niyang itinuon ang kanyang paningin sa babae nang-aalipusta rito. “How can you say that a person belongs to high society? Sa damit ba?” Tanong niya dahil naha-h