"Aba'h, mukhang may utang ako ngayon sa iyo, brother? Maupo ka." Masayang salubong ni Eric kay Theodore na napadalaw sa kaniyang opisina. "Thank you, brother. At hindi na rin ako magpapaligoy-ligoy pa. Dahil magkakapatid tayong lahat. Masuwerte kayong tatlo dahil sabay-sabay kayong lumaki at magkakasama sa loob ng biyente-singkong taon. Ngayon ay itanong ko, brother. Gusto mo bang maranasan ng magiging pamangkin natin ang mawalay sa ama niya? Gusto mo bang maulit ang kahapon mula kay Ate Theo at sa akin? Brother, alam ko kaht hindi mo sabihin ay hindi umuwi ng Pilipinas si Xyriel. Kaya't kung ako sa iyo ay ipagtapat mo na kay brother Hugo kung nasaan siya," pahayag ni Theodore nang nakaupo na siya. Sa narinig mula sa kambal niya ay napabuntunghininga si Eric. Parehong Interpol official s