Imbes na mag-date ang mag-asawang Aries Dale at Leonara ay nagtungo sila sa tahanan nina Enrico at Rizza. Dahil bukod sa nandoon ang kambal nilang apo ay nais din nilang makipagbonding. Ngunit dahil unexpected ang pagdalaw nila ay sinalubong sila ng una nang pangangantiyaw. Ang sutil na si Enrico. Lalo at napag-alaman nilang namasyal ang mga kambal kasama ang isa pang Española, ang manugang nila kay Nicholas. "Well, well, well. Mukhang nagbabalik-tanaw kayong mag-asawa at bigla kayong napasulpot dito sa bahay. Hindi man lang kayo nagpasabing darating kayo. Ipapaayos ko ba ang silid ninyo dati?" mapanuksong salubong ni Enrico sa pinsan at hipag. "Susme, puweding paupuin mo muna kaming mag-asawa? Aba'y ikaw yata ang hindi nakaiskor kagabi eh." Ganting-biro ni Aries Dale. Kaso kinurot siya