Wala ako sa sarili habang naka-duty. Basta-basta na lang kasing sumisiksik sa aking isipan ang nangyari sa amin ni Andrew. Napapapikit ako kapag naiisip ko iyong mga haplos at halik niya sa akin. Ang marahang halik niya pababa sa aking leeg, papunta sa— "Anna..." agaw sa pansin ko ng kasamahan ko. Nginuso niya ang customer na nasa harapan ko. Hindi ko nanapansin kanina dahil wala talaga ako sa sarili. "Hello, Sir. Good morning!" Matamis kong nginitian ang foreigner na nasa aking harapan. Sana hindi siya magalit dahil wala ako sa aking sarili. Ngumiti siya bago sinabi ang details ng kaniyang stay dito sa hotel. Hinanap ko ang kaniyang reservation na ginawa niya sa system. Nakahinga ako nang maluwag nang mabigay ko na ang card niya. "Ano'ng nangyayari sa'yo?" tanong ng katrabaho k