May kausap si Andrew sa kaniyang celphone. Mukhang babae. Girlfriend ata ng isa sa mga kaibigan niya. "Yeah. Kukunin ko na lang diyan bukas," sabi niya sa kausap sa kabilang linya. Tinatanong niya ang babae tungkol sa emergency pill. Ang alam ko wala iyon sa Pinas. Sa abroad lang ata ito available at hindi din puwedeng gamitin ng madalas. Binilhan ko kasi ng condom hindi niya ginamit. Siya ang magsusuot n'on kaya dapat hindi niya winaglit sa kaniyang isipan. "Yeah... Thanks." Tumawa siya. Mukhang ang lalakeng kaibigan na ang kausap. "Sira ulo!" Pinatay na niya ang tawag. Nakangiti siyang tumabi sa akin. Ngumuso naman ako. Alas-dos na pasado pero gising na gising na talaga ako. "Problem solve," sabi niya kaya napatawa na lang ako. Kinabahan din talaga ako. Hindi pa ako ready na ma