Kabadong-kabado ako sa unang araw ko sa school. Balik sa pagiging tanga. Naligaw pa ako kaya late ako sa first subject ko. Ito talaga ang struggle kapag sobrang laki ng university. Naubos ang oras namin sa pagpapakilala, kaya nagbigay na lang ng assignment ang instructor namin. Sobrang daming assignment pero tingin ko naman hindi mahirap. Twelve thirty natapos na ang klase ko. Alas-dos naman mag-start ang shift ko sa trabaho kaya nagmamadali na akong pumara ng taxi. Nakarating naman ako sa tamang oras sa trabaho. Medyo pagod lang ako at nanlalagkit ang pakiramdam dahil sa pawis. Alas-siete naman ng gabi nang dumating si Andrew. Dito na siya dumiretso pagkatapos ng kaniyang trabaho. Nataon naman na coffee break ko, kaya sabay na kaming kumain sa may canteen. Nakapasok siya doon da