Nagtuloy-tuloy ang tulog namin ni Andrew. Nang magising kami, umaga na. Weekend ngayon kaya wala akong pasok sa university. Hindi ko lang alam kung magtatrabaho si Andrew. Ayos lang naman sa akin na maiwan ako dito sa condo. Plano kong maglinis ngayon at maglaba. Ano kaya ang masarap na ulam mamayang gabi? Niyakap ko ang guwapong lalake na katabi ko. Nakakagigil naman sa kaguwapuhan. Napangiti ako. "I love you, asawa ko." Umungol naman siya. Tumagilid siya at niyakap ako ng mahigpit. "I love you. Na-miss ko 'to," sabi niya gamit ang inaantok na boses. "Na-miss ko din 'to. Wala kang pasok ngayon?" "Mayroon sana, kaso gusto kitang makasama. Puntahan natin ang Mama at Papa mo. Mag-swimming tayo." "Talaga?" Nakatutuwa dahil naalala niya ang mga magulang ko. Plano ko nga din sana na