Hindi na ako nasundo ni Andrew sa school dahil madami siyang ginagawa sa work. Ayos lang naman iyon sa akin. Not a big deal. Sabay naman kaming kumakain ng almusal at sabay na ulit na kumain ng hapunan. Minsan kapag maagang natatapos ang kaniyang trabaho, kaming dalawa nagluluto ng pagkain namin. Pagkatapos ng klase ko, nagmamadali na akong umuwi dahil may parating ako na parcel. Mga paninda ko. Kaunti lang dahil hindi pa naman ganoon kadami ang customer ko. Kailangan kong rumaket para may sarili pa din akong pera, kahit na binibigyan ako ni Andrew. Ang laki ng allowance na binibigay niya sa akin. Halos hindi ko naman ito nagagalaw dahil may pera pa ako. Minsan lang kapag naubusan kami ng stocks. Kailangang bumili. Kaso ang tagal ng jeep. "Anna, uuwi ka na?" tanong ng isa sa mga