Mabuti at nasanay na ang katawan ko sa puyat. Maaga akong gumising at nag-asikaso para sa pagpasok ko sa university. Gising na si Allesia at nagkukuwento siya sa akin sa ginawa niya kahapon. Ang dami niyang balloons at tinuturo niya isa-isa ang color ng mga ito. "Mommy, I want to go to the school." "Hmm, nag-school ka naman na, di ba po?" tanong ko naman habang nagpapahid ako ng concealer sa aking under eyes. Dapat matago ang nangingitim na bunga ng aking pagpupuyat. "I want to go to a real school." Ngumuso ako. Masyado namang nagmamadaling lumaki ang anak ko. Hindi pa ako ready para doon. "When you turn five years old, puwede ka na sa big school." Ngumuso siya at naupo sa kaniyang mini sala set sa gilid. Naging kamukha tuloy niya ang Daddy niya kapag nagtatampo. Napangiwi a