Gusto niyang magalit ako. Gusto niyang sumbatan ko siya. Pero hindi ko iyon gagawin dahil wala akong planong bigyan siya ng pansin. Hindi ko planong makipag-usap sa kaniya. Umalis siya sa buhay ko ng walang pasabi, kaya wala na siyang karapatang bumalik. Hindi na ako iyong batang Anna na nagagawa niyang uto-utoin. Hindi na ako iyong batang Anna na patay na patay sa kaniya. Akala ko noon, hindi ko kaya na mabuhay ng wala siya, but those three years... kinaya ko naman. Nakalimutan ko siya. Naging mas matatag ako. Kahit makipag-usap, hindi ko sasayangin ang oras ko para sa kaniya. My time is so precious. I don't want to spend it with someone who will just ruin the peace that I have. Parang cycle lang naman ang mangyayari, e. I didn't want to hear anything that he's going to say. Para