Tiningnan ako ni Jab. Napabuntong hininga naman ako saka napahilot ng aking noo. Nakakaagaw na kami ng atensyon sa mga tao. Nang mapansin iyon ni Andrew, kumalma naman siya. Hindi na ulit nagsalita pa. Magsalita pa ulit siya, baka masampal ko na. Ang kapal talaga ng mukha ng lalakeng 'to! I let go of Jab's hand. Nakakaintindi naman siyang tumango. "Uuwi na ako, Jab. Umuwi ka na din," sabi ko sa lalake. "Okay. Mag-ingat ka. Gusto mo bang ihatid kita pauwi?" "Hindi na." Para tumigil na din 'tong lalakeng 'to. Saan kaya siya kumuha ng karapatan? Nagka-amnesia ata siya, at kinalimutan niya na iniwan niya ako sa ere, ilang araw bago ang kasal namin. At saka ano'ng asawa ang pinagsasabi niya? Hinatid ako ni Jab hanggang sa exit. Malapit na din ang na-book kong habal. "Okay na ako. Um