Promise

1735 Words

Panay ang ilag ko kay Kuya Andrew, dahil plano na naman niya akong halikan. Nandito na ako sa may babaan. Tapos na kaming kumain ng almusal at nabilhan na din niya ako ng pang-lunch ko mamaya. "Ingat ka, baby. May lakad din ako ngayon." Saan naman kaya siya pupunta? Baka mamaya mambababae pala siya. Subukan talaga niya. Magkalimutan na lang kami. "Magkikita kami ng mga kaibigan ko. Walang girls kaya huwag ka ng mag-overthink. Hindi ako gagawa ng ikakaselos mo." "Wala akong pakialam. Kahit pa mambabae ka doon, mas maganda pa para matahimik na din ang buhay ko," sabi ko sabay irap. "You didn't mean that. Sinasabi mo lang iyan pero kapag ginawa ko baka iiyak ka." "Subukan mo, ah. Magtatalon pa ako sa tuwa. Salamat. Papasok na ako." Parang tanga talaga ang lalakeng 'to, isip-isip ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD