Inasahan ko 'to pero nagulat pa din ako nang marinig ko mula sa kaniya. Bumuntong hininga ako. Wala akong maisip na sasabihin kaya kumain na lang ako. Sayang naman ang pagkain kung basta na lang akong mag-walk out. Hindi na din siya nagsalita pa ulit, pero panaka-naka siyang tumititig sa akin. Nagkunwari na lang ako na wala akong pakialam pero sa totoo lang, sobrang awkward. Pagkatapos kong kumain, nagpasalamat ako at tumayo na. Kailangan ko na ding pumasok. Ngumiti siya at tumango. Tumayo siya at sinabayan na din niya ako sa paglalakad. Alas-nuebe hanggang alas-sais ang pasok ko ngayon, dahil unang araw ko sa trabaho. Ang dami kong kailangang matutunan at napapatanong na ako sa aking sarili kung kakayanin ko ba. Kaso sayang naman ang pagod ko kung susuko na ako agad. Ang sakit