"Umuwi ka na. Magpapahinga na ako." "Okay." Lumapit siya sa akin at basta na lang akong hinalikan sa labi. "Ano ba?!" Inis ko siyang tiningnan. "Bakit ka na naghahalik?" "Kapag ang lalakeng iyon ang hahalik sa'yo, hindi ka man lang nagagalit. This is so unfair." Hinilot ko ang aking ulo. Masusuntok ko na 'to sa inis, e. "Sa pisngi naman niya ako hinalikan, hindi sa labi!" "Hinalikan ka niya sa pisngi, e. Alangan naman na doon din ako hahalik kung saan siya humalik?" "Hindi tayo, kaya wala kang karapatan na humalik sa akin sa labi." Ngumuso siya. "Para sa akin, tayo na. At akin ka lang. Sa susunod na halikan ka na naman ng lalakeng iyon, masusuntok ko na talaga siya." "Hay, Andrew! Bakit ka pa umuwi ng Pinas. Nakakainis ka!" Ngumiti siya. "Andrew. I like it. Huwag mo na akon