Umalis si Kuya Andrew at naiwan naman akong nakatanga dito sa may pintuan. Mukhang nagalit. Kasalanan 'to ng marites na 'to, e. Pabalibag kong sinara ang pintuan. Bumalik ako sa kusina upang magtimpla ng kape. Kumukulo na din ang tubig para sa noodles kaya kumuha na ako ng noodles. Hindi ko pa nabubuhos ang seasonings nang marinig ko na nag-ri-ring ang aking celphone. Patakbo akong pumunta sa aking kuwarto, dahil may hinala ako kung sino itong tumatawag. Tama nga ako. Si Kuya Andrew. Nagkukumahog akong sagutin ito, kaso nang ma- receive ko ang tawag, saka naman niya pinatay. Inis na inis ako at nagpasya na hindi siya papansinin ng isang linggo, pero agad ding nagbago ang isip ko nang makatanggap ako ng text mula sa kaniya. "Magkita tayo sa labasan." Nag-reply ako ng, K. Patak