"May sarili kang kuwarto, di ba?" pairap kong sabi kay Andrew. Ngumuso siya at nag-iwas ng tingin. Ilang beses pa lang siyang natutulog doon sa dating stock room. Kulang na nga lang tumabi na din siya sa akin sa kama. Sinasamantala din niya dahil hindi mahiwalay ang anak niya sa kaniya. Ang sabi niya, patutulugin lang niya ang bata. Pero tuwing gigising ako ng umaga, malalaman ko na lang na dito na naman siya natulog. Nagbingi-bingihan na naman siya kaya napairap ako. Nahiga na ako para makatulog na ako, dahil pagod na pagod talaga ako ngayong araw. Dahil weekend, late ako nagising. Alas-dies na at nagugutom na din ako kaya lumabas na ako. Nadatnan ko sa sala si Allesia na nag-iingay. At sa gilid ng pintuan ay mayroong nakatambak na mga box. "Mommy, bumili si Tito Andrew ng mad