"Hello, baby Nikolai, are you ready for your big day?" Malambing na tanong niya sa anak, na nakahiga sa kama habang binibihisan niya. Ngayong araw na ang engrandeng binyag ng anak, mukhang invited lahat ng taga San Miguel. Binyag palang iyan engrande na, iba talaga pag solong apo. "Ready na yan, excited oh," sabat naman ni Nico na nakaupo sa kama habang kinukuhanan nito ng larawan ang ang anak. "Excited na excited na siyang humarap sa maraming bisita mamaya,' sabi niya. Siya man ay inimbitahan niya lahat ng staffs niya sa shop, pati na ang ilang malalapit na kaibigan, sayang nga lang hindi nakauwi ng San Miguel si Gladys na isa sa mga ninang na napili niya para kay Nikolai. May trabaho pa kasi ang kaibigan at hindi makapag bakasyon. Mukhang makukumpleto naman ang mga kaibigan ni Nico, si

