Makalipas ang isang taon nakapagsilang siya ng napakagwapong anak na lalake, na pingalanan ni Nico na baby Nikolai. Ang pagbubuntis at pagluwal niya kay Nikolai ang pinakamagandang karanasan na sa buong buhay niya. Kung alam lang niyang wala naman pala siyang dapat ikabahala sa maagang pagkakaroon nila ni Nico ng anak, ay di sana agad na niyang naibigay ang anak na hinihiling ng asawa. Kaya naman pala niyang pagsabayin ang career at family, wala siyang napabayaan sa dalawa, pareho niyang nabibigyan ng tamang oras at atensyon. Sa loob rin ng isang taong nakapagbukas pa siya ng isa pang shop sa loob ng Tragora Mall, unti-unti na rin nakilala ang mga gawa niya ng ilang kilalang company. Tuwang-tuwa siya dahil laging andiyan ang asawa niya para suportahan siya sa lahat ng bagay. Lumakas din la

