Kasalo nilang kumain ang mga tauhan sa asyenda, maligaya ang lahat, at maganang kumain, maliban lang yata kay Nico na nakaupo sa tabi niya. Panay buntong hininga nito kasi, at tila hindi kumakain ng maayos. Paano kasi nasa tabi din niya si Gerald na maganang-maganang kumain ng nakakamay lang. "Nico tikman mo ito," sabi niya sa asawa at sinubuhan ito ng pusit. Buti na nga lang kahit bugnot ang asawa sinubo naman nito ang binigay niya. "Masarap diba?" Tanong pa niya sa pinasiglang tinig. "Yeah,' tanging sagot lang ng asawa sa kanya. "Kain lang kayo ng kain ah, marami akong pinahandang seafoods at mga karne," ganadong sabi pa ng Daddy niya. "Look at Gerald, enjoy na enjoy, ayaw na nga daw niyang bumalik pa ng California eh, nagustuhan na niya dito sa San Miguel," pagmamalaki ng Daddy ni

