"What are you doing here, Liza?" Tanong ni Nico kay Liza nang makababa ng kabayo ang asawa. "May sasabihn sana ako sa iyo, Nico," sagot ni Liza na nakasunod ng tingin sa asawa niya. Tinabi naman niya si Zimba para bumaba. Agad namang lumapit sa kanya ang asawa at binuhat siya pababa kay Zimba. Sinulyapan niya si Liza na masama ang tingin sa kanila ni Nico. Para namang may karapatan itong tumingin ng masama sa kanila. Asawa niya si Nico. "Thanks, Nico," pasalamat niya sa asawa at sinulyapan si Liza. "Galing ako sa malapit rito, nakita ko ang dalawang asyenda na magkatabi kaya nagtanong na ko guard, pinapasok naman niya ko nang sinabi ko kliyente kita Nico," nakangiting paliwanag ni Liza sa kanila na sa asawa lang niya nakatingin. "Bakit dito ka sa kotse mo naghintay? Bakit hindi ka p

