"Ngayon na ba natin i mi-meet iyung interior designer na nirekomenda sa iyo ni Oliver?" She asked nang umagang nagbibihis na silang mag asawa para magtungo sa location ng magiging shop niya. Isang linggo na rin mula nang maipakita sa kanya ni Nico iyon at talaga namang nagustuhan niya, at super excited siyang masimulan na ang pag-aayos. Actually, dapat last week pa iyon masisimula, naging busy lang si Nico, dahil nga biglaan ang pag set ng Daddy ng travel abroad. Hindi naman na niya kinontra ang gusto ng ama, dahil nga kailangan nitong makalimot para maka move on na sa madrasta niya. Pabor para sa kanya ang paglilibang ng Daddy niya, at pagkakaroon muna nito ng oras para sa sarili nito. Biro pa nga niya sa Daddy niya, anong malay nito kung bigla itong may makilala habang namamasyal sa ku

