"What? Naku ah baka naman inaakit na ang asawa mo behind your back ng interior designer na iyan, Atasha! Ikaw na mismo ang nagsabi na iba ang tingin niya sa asawa mo, huwag mong kalimutan na 2023 na ngayon, grabe na ang mga higad," mahabang litanya ni Gladys sa kanya ng papuntahin niya ang kaibigan sa bahay nila, para tulungan ito sa pagpili ng mga design na ipapagawa na niya para sa nalalapit nang opening ng kanyang shop. Hindi na siya nagpalit ng interior designer, sinabihan na lang niya si Liza na bilisan na lang ang trabaho para makapag open na sila agad. Ang totoo nais na niyang matapos ang trabaho ni Liza sa shop niya, para na rin wala ng dahilan pa para magkita pa sila nito, lalo na ito at si Nico. Iba kasi talaga ang kutob niya sa babae. Agad niyang naikwento kay Gladys si Liza

