"Damn! Anong ginawa ko?!" Mura niya sa sarili, bigla yatang nawala ang kalasingan niya sa nagawa niyang pananakit kay Atasha. Hindi rin siya makapaniwala sa nagawa niyang panunumbat sa asawa sa lahat ng ginawa niya para rito. Kung sa tutuusin wala namang ano mang hiniling sa kanya si Atasha, kusa niyang binigay sa asawa ang lahat ng pabor para rito, dahil nga mahal niya ito, at wala siyang ibang nais kundi ang maging masaya ang asawa sa piling niya. "Damn it! Damn it!" Hiyaw niya at pinaghahampas ang kamay sa mini bar. Kung bakit naman kasi napaka sensitive niya, pwede naman siyang maghintay pa ng kaunting panahon at magkakaanak din naman sila ni Atasha soon, hindi pa nga lang ngayon, kailangan lang niyang lawakan ang pangunawa niya sa asawa. Ngayon pa ba sila magkakagulo, kung kailan a

