Dahil na rin sa sugat na natamo ni Atasha, hindi na muna niya hinayaang maglakad mag isa ang asawa. Hindi rin muna siya rin siya nagtungo sa taniman sa bahay na muna siya para maalagaan ang asawa. Siya ang may kasalanan nito kaya dapat lang na asikasuhin niya ng maayos ang asawa. "Good morning, Atasha," malambing na bati niya sa asawa nang pumasok siya sa silid bitbit ang almusal na inihanda niya para sa asawa. Sinulyapan lang siya ng asawa, hindi man siya nito binati. "Naghanda ako ng almusal para sa iyo," sabi pa niya, saka humakbang palapit sa kama kung saan nakaupo ang maganda niyang asawa. "Kaya ko namang bumaba, maliit na sugat lang naman ito," malamig na sabi nito. "Magdurugo ulit iyan sabi ng doktor pag napwersa," sabi naman niya at inilapag ang dalang pagkain sa tabi ng asawa.

