Makalipas ang ilang araw unti-unti ng naghilom ang sugat ni Nico, mas nakakagalaw na ito ng maayos ngayon at lumakas na. "Papasok ka na ba talaga sa opisina?" Tanong niya sa asawa nang naghahanda na si Nico pagpasok. "Oo panigurado tambak na ang trabaho ko doon," tugon nito. "Baka kasi sumakit ang sugat mo at magdugo ulit," nag-aalalang tanong niya. "I'm ok kaya ko na. Ang galing kaya ng nurse ko," sabi pa nito sa kanya sabay kindat. Personal kasi niyang inalagaan ang asawa, siya rin ang naglilinis sa sugat nito, naghahanda sa pagkain nito, pagpapainom ng gamot, hanggang sa pagligo ng asawa, nakaalalay siya rito. "Are you sure?" She asked. "Yeah, don't worry about me. Malakas na malakas na ko dahil sa galing mong mag alaga," sabi pa nito at lumapit sa kanya. Hinaplos ang mukha

