Kinabukasan dumating sa bahay nila ang Daddy niya at ang bago nitong asawa na si Sally, kasama pa ng mga ito si Gerald. Tamang katatapos lang nilang mag almusal mag anak sa may gazebo kasama si Nikolai. Sa may Gazebo siya nagyayang kumain ng almusal, para makalanghap ng sariwang hangin si Nico. Agad na binati nila ang bagong dating, pati si Gerald bumati din kay Nico at kinumusta pa ang asawa niya. Pero dahil nga pinagseselosan ni Nico si Gerald tango at simpleng ok lang ang naging tugon ni Nico kay Gerald. Mabuti na lang at masyadong focus ang Daddy niya sa pag atake ni Pia sa kanila at hindi napansin ang naging reaksyon ni Nico kay Gerald. Ewan ba niya sa asawa niya kung bakit nagseselos pa kasi kay Gerald eh mahal na mahal naman niya ito. Pinakikita at pinaparamdam naman niya sa asawa

