"Hayaan mo muna akong makaganti sa babaing iyan Karina!" Asik ni Pia sabay duro pa nito sa kanya. "Ikaw Atasha ang dahilan kung bakit nasira ang magandang buhay meron kami ni Karina! Sana na lang hindi ka na bumalik pa ng San Miguel!" Sigaw pa ni Pia sa kanya. "Mommy, tama na," umiiyak na pagmamakaawa ni Karina sa ina. Alam niyang ano man ang sinapit ng ina mahal pa rin ito ni Karina. "Sige kung hindi ko magantian ang Daddy mo Atasha, ikaw na lang," sabi pa nito sa kanya at nilabas ang balisong sa bulsa. Napasinghap silang apat at napaatras nanv itutok iyon ni Pia sa kanila. "Lumapit kayo sige!" Bnta pa ni Pia sa kanya. Hindi naman malaman ng dalawang lalaking kasama nila kung paano maagaw ang balisong kay Pia. Napaatras sila ni Karina may kalayuan kay Pia. Hinayaan na sina Nico at Ge

