"Huwag ka nang gigising ng maaga para magluto, nasabihhan ko na si Manang Elen na siya na muna ang bahala sa kusina ngayong buntis ka," sabi sa kanya ni Nico nang umagang babangon na sana siya para maghanda na ng almusal. Tatlong buwan na ang tiyan na pero maliit pa rin naman at hindi pa halata dahil payat naman siya. Napag usapan nilang nila ni Nico na pag 6 months na ang tiyan na titigil na siya sa pagtatatrabaho sa bahay na lang siya muna at i monitor na lang muna niya ang dalawang shop via call at video call sa mga staffs niya. Pumayag naman na siya alam naman ni Nico ang ginagawa nito. Ngayon pa nga lang pwede na siyang huwag pumasok sa trabaho, kaya gusto pa niya, para maihanda pa niya ang mga dapat ihanda sa shop, bago siya magbakasyon. Todo nga ang pag-aalalaga sa kanya ni Nico

