Kinabukasan masigla siyang nagising para maghanda ng almusal sa kanila ni Nico. Pareho na silang aalis ngayon, para pumasok sa trabaho. Breakfast and Dinner na lang sila magsasabay ng asawa sa pagkain, kaya sinisugurado niyang siya ang maghahanda para sa asawa. Binilin naman niya kay Manang Elen ang lunch ng asawa. "Good morning," bati ni Nico nang pumasok ito sa komedor. "Good morning," nakangiting bati niya at sinalubong ang asawa na handa na rin sa pagpasok sa trabaho. "Maupo ka na, sabay na tayo," sabi pa niya sa asawa at sabay na silang naupo sa hapag. "Siya nga pala tumawag si Daddy kanina, ni remind niya ang dinner sa bahay mamaya," sabi niya sa asawa, habang nilalagyan ng pagkain ang plato nito. Nakasanayan na niyang siya ang naglalagay ng pagkain sa plato ng asawa, even cof

