Sa hapag kainan pinakilala ni Sally ang anak nitong si Gerald sa kanila. Isang Engineer si Gerald sa California, kasama daw ni Gerald doon ang ama niro at bagong pamilya ng ama. Narito lang daw si Gerald sa San Miguel para magbakasyon at samahan ang Mommy nito. "Hhmmm.. It's Mom cooked," sabi ni Gerald habang kumakain na sila. "Ako nagluto ng lahat ng iyan, para naman matikman ni Nico at Atasha ang luto ko," malumanay na sabi naman ni Sally kay Gerald. "Mahilig magluto ang Tita Sally mo, Atasha. Siya na nga ang naghahanda ng pagkain sa akin," nakangiting pagmamalaki naman ng Daddy niya. "Masarap po ang luto niyo, Tita Sally," komento naman niya at sinulyapan ang asawa na nakaupo sa tabi niya. Tumango si Nico habang enjoy na enjoy din sa kinakain, habang tahimik itong nakikinig sa

