Hawak kamay sila ni Nico na lumakad patungo sa magiging opisina ng asawa. Halos nakauwi na ang lahat ng mga naki party sa kanila, sadya silang nagpaiwan ng asawa para malibot nila ang bagong opisina ng asawa, at syempre para magawa nila nito ang pinagbulungan nila kanina habang sumasayaw. Namangha siya nang makita kung gaano kaganda ang loob ng magiging opisina ng asawa, naroon na rin ang pangalan nito sa mesa bilang C.E.O. "Wow," anas niya habang ginagala ang mga mata sa malaking opisina na puno ng mga modernong kagamitan. "You like it?" Nico asked na agad yumakap sa kanya mula sa likod niya at inikot siya paharap rito. "Yeah, I like it," she said. "How about this?" Nico asked at mabilis na inangkin ang labi niya. Napapikit naman siya at sinaklit ang mga kamay sa batok ng asawa, ay g

