"How's your first day, Nico?" Tanong ng Papa niya nang puntahan siya ng ama sa opisina niya. "Pa, ok naman po," tugon niya at tumayo pa sa kinauupuan. "Good, basta pag meron kang hindi pa naiintindihan you ask me son," sabi ng ama sa kanya at naupo sa upuang nasa gilid ng kanyang mesa. "Yes po, Papa," sagot niya sa ama. Kanina pa nga niya pinag-aaralan ang maraming bagay tungkol sa kompanya. Siya naman talaga ang dapat mamamahala sa kompanya, noon pa nga dapat pagkagraduate niya ng college, iyon nga lang nangyari nga ang paghihiwalay nila ni Atasha noon, sa pagnanais niyang mapalapit muli kay Atasha, kaya binili niya ang katabing asyenda ng Hacienda Atasha. Hindi naman siya sinaway ng mga magulang sa naging desisyon, sinuportahan pa nga siya ng mga ito. Dahil nga nais rin nila si Atasha

