Pinagpasalamat niyang bumalik na sa magandang mood si Nico, kundi nasira sana ang lunch date nila na pinaghandaan pa naman niya para i celebrate ang unang araw ng asawa bilang C.E.O sa malaking kompanya sa bansa. "Thank you Nico, sa flowers ah," pasalamat niya muli sa asawa, para lang hindi na mawala pa ito sa mood. Alam niyang nagseselos ang asawa kay Gerald, although para sa kanya harmless naman si Gerald wala kasi siyang ano mang malisyang nararamdaman sa mga tingin nito sa kanya, isa pa napaka friendly nito sa kanya, kaya para sa kanya pagkakaibigan lang talaga ang gusto ni Gerald sa kanya. Iba lang talaga ang dating sa asawa niya. Cute naman magselos si Nico, iyung nararamdaman niyang mahal na mahal siya nito. Iyon nga lang minsa syempre nakakatakot na rin dahil nga iba magselos ang

