"Nagdala ng ulam si Tita Sally kanina, kaya kaunti na lang niluto ko," sabi niya kay Nico nang nasa hapag na sila para mag hapunan. Silang tatlo na lang ang nasa bahay, nakauwi na ang mga kasambahay, kaya naman naka stroller na lang muna si Nikolai na nasa tabi nila at nilalaro pa ni Nico. "Really, sinong kasama niyang pumunta?" Nico asked, at sinulyapan siya, saka binalik kay Nikolai ang atensyon. Hindi siya agad nakasagot, tinuon muna ang atensyon sa paglalagay ng pagkain sa plato ng asawa. Hindi rin naman siya pwedeng mag sinungaling baka malaman pa ng asawa sa iba, at magtaka pa ang asawa kung bakit siya nagsinungaling. "Kasama niya si Gerald, pero saglit lang naman sila," tugon niya sa asawa, matapos malagyan ng pagkain ang plato nito. Napansin niyang napahinto ang asawa sa pakik

