Ito na ang araw ng muling pagbabalik nila Zain at ng kapatid ko. Pagdating nila ay maraming eksena ang naganap. Muling nagkita si Phoenix at Sendy. Hindi ko alam na may namamagitan pala sa kanila akala ko ay sila pa din ni Sabrina. Masaya ako kay Phoenix dahil masaya din niyang nahanap ang taong mahal niya. Medyo nalulungkot ako para kay Sabrina gaya ko ay iniwan din siya ni Phoenix. Pero magkaibigan pa din naman sila ngayon tulad namin ni Zain. Mananatili na siguro sila sa puso namin at parte nalang ng nakaraan dahil hindi na namin pwedeng balikan pa kung ano kami dati. Tinakpan muna namin si Mommy at Daddy para hindi muna makita ni Demiree. Balak kasi namin surprisahin ang kapatid ko.Nang marinig namin ang boses ng kapatid ko hudyat na para sa gagawin namin. Pagkabukas na pagkabukas n