CHAPTER 41

1059 Words

Makalipas ang limang araw, ito na ang hudyat para bumalik sila Zain at Demiree sa loob ng Helveria. Gaya ng naunang plano papalabasin nila tumakas sila at nagtago pansamantala sa Silent Sanctuary. Papalabasin nilang pinalipas muna nila ang ilang araw bago tuluyang bumalik para na rin sa kasiguraduhan na maayos na ang lahat. "Mag-iingat kayo, huwag kayong mag-alala nakahanda na sila Jagger sa muli niyong pagbabalik dito. Siguraduhin niyong hindi kayo mahahalata ni Senyora. Huwag na huwag kayong magpapahalata dahil matalino ang iba konting pagdududa lang nila masisira lahat ng plano natin." "Huwag kang mag-alala kasama ko naman si Zain. Magdo-doble ingat kami." aniya ni Demiree. "Zain, ikaw na bahala sa kapatid ko ipangako mo sa'kin na ibabalik mo iyan ng buo dito." Tumango lang siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD