Bumalik na si Darren sa pagtuturo kay Kyle ngunit nabawasan ang oras at araw niya sa pagtuturo dito. Busy na kasi siya pag OJT at pinapasok lang niya sa busy niyang schedule ang pagtuturo. Gusto niya kasi matulungan si Kyle and the same time ay makasama na rin si Renzo. Hindi pa rin bumabalik si Aling Perla kung kaya't sa araw ay hinatid ni Renzo si Kyle sa magulang nito. At siya naman sumundo sa kung hapon kung may araw ng pagtu-tutor niya. Nakilalana kasi niya ang magulang ni Renzo ng minsan dinala siya nito upang sunduan si Kyle. Hindi naman nagduda ang magulang nito tungkol sa kung ano mayroon sila. Tiwala ang magulang nito dito. At isa pa ay pinakilala siya bilang tutor na pinagkakatiwalaan nito sa anak. Kaagad naman siyang nakagaanan ng loob ng magulang nito at nagkaroon na ng tiwa