Chapter Five

2186 Words
Naawa si Darren habang nakatitig sa nakatulog na si Renzo. Nadatnan niya kasi itong umiinom ng alak. Mukhang problemado at miserable. Marahil dahil na rin ng matinding kalasingan ay nakatulog na lang ito sa sofa. Actually, Sunday ngayon wala siyang pasok bilang tutor ngunit nagpunta pa rin siya sa condo para kunin ang naiwan niyang usb sa kuwarto ni Kyle. Naglalaman kasi iyon ng mga importanteng files na kakailanganin niya sa kanyang thesis. Si Renz ang nagbukas sa kanya ng pinto dahil wala si Aling Perla. Day off rin kasi nito tuwing Sunday. Namumula na ang mukha nito halatang marami ng nainom. Patunay rin ang maraming basyo sa center table. Nang sinabi niya dito ang kanyang pakay ay binigyan siya nito ng permiso para pumasok sa kuwarto ni Kyle. Hanggang sa nag isang oras na lang ay ay hindi pa siya nakakalabas dahil naglambing sa kanya ang bata na makipaglaro muna dahil bored ito na agad naman niyang pinagbigyan. At paglabas niya sa kuwarto ng musmos ay nakita niyang nakatulog na sa kalasingan sa sofa si Renzo. Alam niya kung bakit nagkakaganoon ang abogado. Laman kasi ng mga balita ang pagkatalo ng kaso nito ng isang Senador na sangkot sa korapsiyon at iba pang anomaliya. Sumabay pa sa problema nito ay ang mga empleyado nito sa pagmamay-aring hotel. Pumunta sa isang malaking TV station na may programang tumutulong sa pagbibigay ng serbisyo at hustisya. sumbungan daw ng mga naapi. Pumunta ang mga empleyado nito doon para isumbong na kulang ang benepisyog binibigay ng hotel. Wala daw SSS o Philhealth. Minsan din daw hindi binibigay ng tama ang ang sahod sa overtime. Hindi niya alam ang buong istorya dahil panig pa lang naman ng mga empleyado ang naririnig niya. At hindi pa nagsasalita si Renzo hinggil sa issue kaya ayaw niya itong husgahan. "Kuya Darren, nakatulog si Daddy. Paano na ang food ko? I'm hungry pa naman." tanong ni Kyle na hinihimas ang tiyan. "Don't worry, Kyle, ipagluluto kita. Gusto mo ba ng paborito mong pride chicken?" "Yes po!" "Sige wait ka lang dito. Huwag mong istorbohin sa pagtulog, Daddy mo." Bilin niya sa bata. Naghalungkat siya nang maluluto sa kusina. Mabuti na lang at mayroon doon naka stock na manok. Hindi naman siya nahirapan ang sa paghahanap ng ingredients dahil nandoon naman sa mga cabinet ang mga kailangan niya. Hindi siya expert sa pagluluto ngunit may alam lang siya dahil paminsan-minsan ay nagmamasid at nagpapaturo siya sa kanyang ina sa tuwing nagluluto ito. Wala lang yatang kalahating oras ay natapos at pinagsaluhan na nila ni Kyle ang kanyang luto. Habang kumakain ay marami siyang tinatanong kay Kyle. Napag-alaman niya na Sunday ang paboritong araw ng bata dahil bonding time iyon ng Daddy nito dahil nga wala ang katulong at kinabukasan pa bumabalik. Nalaman din niya ang paboritong pagkain ni Renzo. Maging ang paborito nitong kulang dahil ang bata na mismo ang nagkuwento sa kanya. At saka Sandra pala ang pangalan ng nobya ng abogado na ayon sa musmos ay kinaiinisan nito dahil bad raw ang ugali. Nawili siya sa pagkabibo ni Kyle. Maging sa pagliligpit ng pinagkainan nila at paghuhugas ng pinggan ay tinulungan siya nito. Well, actually hindi ito nakakatulong. Tumatagal pa nga ang pagliligpit e, ngunit gusto lang niya na maramdam ng bata ang self-worth nito. Nakita nga iya ang pagiging proud sa mukha nito nang matapos sila sa paghuhugas. Tila napakalaking achievement ang nakamit nito. Hindi niya kaya na basta na lang iwan doon ang bata. Kaya pagkatapos na masiguradong natunaw na ang kinain nito ay pinatulog na niya ito. Mag a-alas otso na ng gabi nang makalabas siya sa kuwarto nito. At ito nga nadatnan niya si Renzo natulog pa rin sa sa sala. Aalis na sana siya ngunit nang mapatingin siya sa natutulog na abogado ay hindi niya maiwasan na lumapit dito. Lumuhod siya para mas lalong mapagmasdan ang napakagwapo nitong mukha. Pinagsawa niya ang kanyang mata. Pero abot-abot ang pagpipigil niya na hawakan ito. Baka kasi magising ito at kung ano pa ang isipin nito. Ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib niya lalo na nang sinubukan niyang itaas ang kamay para haplusin ang mukha nito. Pero bago pa niya magawa iyon ay pinilig niya ang kanyang ulo at mabilis na tumayo. Sa halip ay iniligpit na lang niya ang lahat ng kalat at basyo ng alak. Itatapon na lang sana niya ang huling na ipon niyang kalat nang tumayo si Renzo. Pageywang-geywang ang lakad nito. Hinanap ang CR. Narinig niyang sumuko doon. At nang lumabas ay halos bumagsak na sa sahig kaya tumakbo para alalayan ito. Napagpasyahan niyang dalhin na lang ito sa kuwarto nito para hindi ito mamaluktot sa sofa. Lasing na lasing ito. Umuungol na ito. At napuno na ng pawis ang katawan. Hindi niya mapigilan ang sarili na maghalungkat sa cabinet nito. Naghanap siya ng bimpo. At nang makakita ay pumunta siya sa kusina. Binalikan niya si Renzo bitbit na ang palanggana na may laman na tubig. Pinunasan niya ito. At nang makitang basa na ng pawis ang T-shirt nito ay mula siyang tumayo para kumuha ng extrang t-shirt sa cabinet nito. Nanginginig ang kamay hinuburan niya ito. At nang ganap na malantad ang matipuno nitong dibdib ay natulala siya. Napasinghap. Hindi niya magawang iiwas ang tingin bagkus ay nataagpuan na lang niya ang kanyang sarili na hinahaplos mumunting buhok sa dibdib nito sabay halik sa noo nitong nakapikit. Hanggang ang labi niya ay dumausdos sa mata ni Renzo, pababa sa ilong. Hanggang sa tuluyan na niyang dinapian ng halik ang labi nito Pakiramdam ni Darren ay tumigil ang pag-inog ng mundo nang maglapat ang kanilang labi. Dalawa lang sila ni Renzo. Sa kanila ang sandali. Dinig na dinig niya ang malakas na pintig ng puso. Ngunit sa pagmulat niya sa kanyang mata ay nawasak ang mundo nilikha niya para sa kanila ni Renzo. Bumalik siya sa reyalidad. Napaatras palayo. Hindi niya lubos maisip na kaya niyang gawin ang bagay na iyon. Sinamantala niya ang kalasingan ni Renzo. Bagaman nahihiya siya sa kanyang ginawa ay sinikap pa rin niyang mabihisan ang abogado. Aalis na lang sana siya nang matapos ngunit naramdaman niya ang kamay ni Renzo na pumipigil sa kanya. Sa gulat niya ay hinatak pa siya nito papalapit dito. At sinibasib ng halik. Nanlalaki ang mata niya. Hindi makahuma. Ngunit kalauna'y natagpuan niya ang kanyang sariling tumutugon sa halik niya. Hindi niya mapigilan ang pagngilid ng luha sapagkat hindi niya akalain na sa taong mahal niya matitikman ang unang halik. Walang pagsidlan ang kaligayahan sa kanyang puso. "Sandra..." Natigilan siya sa anas na iyon ni Renzo. Tila napapaso siyang lumayo dito. Gustong sumabog ng kanyang dibdib. Bakit nga ba niya inakala na para sa kanya ang halik nito? Na tumutugon ito dahil alam nitong siya iyon - si Darren. Isang bakla. Nagtatagong bisexual! Bakit nga ba hinayaan niya ang sarili na maniwala sa isang pantasya? Nanlulumo siyang humakbang papunta sa pinto. Hindi niya maiwasan lumuha. Manibugho. Kasabay na pagsigurado niyang naka lock ang Condo ni Renzo ay pagkandado rin sa kanyang puso. Hindi dapat mawaglit sa utak niya ang kanyang limitasyon. _________________ Friday. Walang klaseng ang lahat ng antas ng eskwelahan dahil National holiday. May duty si Darren sa pagtu-tutor ngunit pinili niyang hindi mag duty dahil sa takot at hiya kapag nagkaharap sila ni Renzo. Natatakot siyang baka naalala nito ang ginawa niya. Pumasok na nga sa utak niya kagabi na huminto na sa pagtuturo kay Kyle. Pero parang pinipiga ang puso niya sa tuwing papasok sa isip niya ang malungkot na imahe ng bata. Malungkot dahil walang kaibigan, kulang sa atensyon. Lagi lang nakakakulong sa apat na sulok ng Condo na iyon. Sa maikling panahon ay naramdaman niyang tinuring na siyang isang pamilya ni Kyle. At ganoon din siya dito. Proud siyang sabihin na may anim na taon siyang best friend. Muling nag ring ang kanyang cellphone. Pang apat na tawag na iyon ni Kyle sa kanya. Marahil nakuha nito ang kanyang numero kay Aling Perla. Nagkapalitan kasi sila ng matanda ng numero para sa sitwasyon ganito - may mapagsabihan siya kapag ayaw niyang mag duty. Kinukulit siya ni Kyle. Gusto nitong pumunta siya sa Condo kahit hindi raw muna siya magturo. Sa huling tawag nito ay nagkasundo na sila na kinabukasan na siya magtuturo. Nag desisyon siyang hindi tanggapin ang tawag. Ngunit ilang sandali pa ay may pumasok na message sa kanyang inbox. Hindi pamilyar ang numero. 'Be ready. Isasama ka namin sa aming family outing. Claire.' Magre-reply sana siya para tumanggi. Ngunit muli na naman tumunog ang kanyang cellphone. 'I won't take no for an answer.' Bumuntong-hininga siya. Wala nagawa kundi puntahan ang kanyang magulang na nanonood ng telebisyon. "Ma, Pa baka sunduin ako dito ng parents ng tinuturuan kong bata. Isasama daw nila ako sa family outing. Papayagan niyo ba ako?" Bahagyang tumawa ang kanyang ama. "Ano ka ba Darren, matanda ka na para hindi payagan. Mag ingat ka na lang sa pupuntahan mo. Baka maraming chicks do'n, ligawan mo." "Ben, patapusin mo muna ang anak mo sa pag-aaral." "Bakit, pwede naman pagsabayin ang pakikipagnobya sa pag-aaral, ah?" sabi ng kanyang ama. "Pero Darren, boto kami ng Mama kay Anne, kaya huwag ka ng magpatumpik-tumpik pa, ligawan mo na." Umiling si Darren. Lihim na tumango sa kanya nang tumingin sa kanya na tila himihingi sa kanya ng pag-una. "Sige po, ihahanda ko lang dadalhin ko sa outing." Iniwan na niya ang kanyang magulang. Pumunta siya sa kanyang kuwarto. Nagbihis lang siya ng simpleng gray shirt at jeans na pinaresan ng Nike shoes na pasalabog pa sa kanya ng kanyang ate Daisy pag-uwi nito galing sa Canada. Hindi rin niya nakalimutan ilagay sa bag ang kanyang MP3 na naglalalaman ng kanyang mga paboritong kanya at ekstrang t-shirt. Ngunit agad din niyang inilabas ang mga iyon sa kanyang bag. At saka binagsak ang katawan sa kama niya. No! Kung family bonding iyon, malamang nandoon si Renz. Kaya na ba niya itong harapin pagkatapos ng nangyari kagabi? Matitigan kaya niya ito sa mata ng hindi binabagabag ng konsensya? Bumuo siya ng desisyon. Hindi siya sasama. Magdadahilan na lang siya kay Claire at Kyle. HIndi niya alam kung gaano siya katagal nanatili sa ganoong posisyon. Nakahiga. Nakatingin sa kisame. Tulala. Hanggang sa kinatok na siya ng kanyang ina dahil dumating na raw ang susundo sa kanya. Bantalutot siyang bumangon. Kumabog ng husto ang kanyang dibdib. "Aba, bilisan mo! Naghihintay sila sa sala dahil pinatuloy na namin sila ng tatay mo." Bahagya siyang tinulak ng kanyang ina. "Abay' nakapacute pala ng batang tinuturuan mo, mana sa kanyang ina at ama" Nasa pinto na siya nang tumigil sa akmang pagbukas ng pinto. Kumakabog ng husto ang kanyang dibdib. "Darren..." Lumingon siya sa kanyang ina. "Sabihin mo nga, iyong ama ng batang tinuturuan, siya ba ang lalakeng nagugustuhan mo?" Uminit ang kanyang pisngi. Sunod-sunod na umiling. "Hindi po 'nay!" "Darren, ina mo ako, wala kang dapat ikahiya o itago sa'kin. Hindi ba't tanggap ko naman ang tunay na pagkatao mo?" "Nay..." Ngumiti ang kanyang ina. Hinawakan siya sa magkabilang kamay. "Anak, Ang hindi mapipigilang umibig. Pero hindi lahat ng umiibig ay natutugunan ang damdamin. Hindi ko sinasabing wala ng karapatan mahalin ng tunay ang mga kagaya mo, pero anak, ayaw kitang masaktan." Malungkot na tumango si Darren. "Naiintindihan ko 'nay, ang ibig mong sabihin. Miski ako sa sarili ko, alam ko ang katotohan iyon." "O siya, labasin mo na ang mga bisita mo." "Okay po." Sabay silang lumabas ng kanyang ina. At halos hindi niya maihakbang ang paa. Nang marating ang sala ay agad na tumakbo sa kanya si Kyle para yakapin siya. Gumanti siya ng yakap sa bata.. Ngumiti naman sa kanya si Claire. Si Renzo na kausap ang kanyang ama ay napalingon sa kanya. Ngumiti din. Kung pagbabasehan ang ngiti at kilos nito ay mukhang wala itong ideya o matandaan sa nangyari kagabi. Magpa ganoon pa man ay hindi pa rin niya ito matitigan sa mata. "I'm sorry, Claire hindi ako sasama, may importante pala akong gagawin." Hinging paumanhin niya. Kaagad na lumungkot ang mukha ni Kyle. "Sumama ka na, kuya Darren, please! please!" Naluluhang pagmamakaawa ng bata. "Hindi ka ba naawa napakacute kong anak, Darren?" Nakataas man ang kilay ay hindi naman nagmumukhang nagsu-suplada si Claire. "At isa pa, sayang ang effort namin 'no. Sinadya ka pa namin dito, kaya pagbigyan na si Kyle. Siyempre, ako na rin dahil bukas ay babalik na ako sa bansa ng asawa ko." "Pero..." "Kung ang tinutukoy mo ay ang pupuntahan niyong dalawa ni Anne, kami na bahala ng Mama na rumason sa kanya," sabi ng kanyang ama na hinwakan sa ulo si Kyle. "Kawawa naman ang batang ito kung hindi mo pagbibigyan." "Sige po, kukunin ko lang ang bag ko," aniya. "Thanks Darren," si Renzo ang nagsalita na nagpasikdo sa kanyang puso. Tumango lang siya at dali-daling pumunta sa kanyang kuwarto. Napasandal siya sa pinto ng isara iyon. Napapikit siya. Boses pa lang ni Renzo ay apektado na siya. Tiyak torture sa kanya ang family outing na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD